All-set na ang mga programa at mga rites na idaraos para sa state funeral ni dating pangulong Fidel V Ramos.
Ininspeksyon na ang gravesite kung saan ihahatid sa Libingan ng mga Bayani para sa kanyang inurnment.
Magsisimula ang programa bukas, alas-diyes ng umaga kung saan, pinayuhan ang mga nais pumunta na dumiretso na sa Libingan ng mga Bayani.
Alas-diyes y medya naman ay uumpisahan na ang Full Military Honors na susundan ng Funeral Procesion at Martsa papunta sa Presidential Gravesite.
Kabilang sa mga idaraos na aktibidad para sa full military honors na ipagkakaloob kay FVR ay ang 21-gun salute mula sa lahat ng mga major na kampo ng mga militar, arrival honors, pagsusuot ng ‘Badge of Mourning’ at ang hiwalay na final gun salute.
Nakahanda na rin ang mga marshall na magmamando ng trapiko sa area.
#