Kaso ng COVID, posibleng tumaas ngayong ‘Ber’ months – OCTA

Kinumpirma ng OCTA Research group na tiyak nang mas tataas pa ang kaso ng COVID-19 ngayong nakapasok na sa bansa ang bagong subvariant ng virus.

Sinabi ni OCTA research fellow Prof. Ranjit Rye na kahit subvariant ay malubhang sakit pa rin ito at hindi dapat magpaka-kumpyansa ang mga tao.

Kaugnay niyo, pinayuhan ni Rye ang lahat na agad na magpasuri kapag may naramdaman sa mga simtomas.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Ito ay maliban pa sa kanyang panawagan na magpa-booster shot para masigurong hindi basta basta mahahawa o kaya naman ay makaiwas sa severe case ng COVID-19.

Kinumpirma rin ni Rye na talagang bumaba ang bilang ng mga nagpapasuri may kaugnayan sa virus.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Una nang sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na bagamat nagpapakita ng pag-slow down sa infections base sa nationwide record, posible namang mag-peak ang mga kaso sa pagpasok ng “ber” months.

Maliban dito, inaasahan din nila ang mas mahabang wave na aabot sa dalawang buwan tulad ng nangyari sa South Africa
#