Adik sa talpak, puwedeng ipa-ban sa PAGCOR

Hinikayat ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR ang publiko na lumapit sa kanilang opisina kung sakali mang nalulong na sa pag-talpak sa online sabong ang kanilang kapamilya.

Sa pulong balitaan, sinabi ni PAGCOR Chair and CEO Andrea Domingo na mayroon silang kapangyarihang mag-ban ng mga bettors na na-adik na sa e-sabong.

Read More:  Seven suspected vintage bombs found at QC junk shop

Ito ang sinabi ni Domingo matapos ang mga ulat na ‘di umano’y mayroon nang mga pamilyang naapektuhan, mga nalulubog sa utang, at mga nagbebenta o nagsasangla na ng mga ari-arian makapag cash-in lamang sa online betting na ito.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Wika nito, aktibo ang PAGCOR sa pag-baban sa mga e-sabong bettors – at sa oras na mapasama ka sa listahan ng mga bawal maka-talpak, bawal ka na ring makapasok sa mga casino.