Mga benepisyo ng job orders at contractual workers ng DTI Bicol, mas pinalawak ng SSS Legazpi

LEGAZPI CITY – Hindi bababa sa 107 job order (JO) at contractual workers ng Department of Trade Industry in Bicol (DTI-5) ang sasakupin na ng Social Security System.

Ayon kay Jeanette Mapa, ang tagapagsalita ng SSS-Legazpi, isasailalim sa KaltaSSS-Collect Program at saklaw ng isang memorandum of agreement (MOA) na pinirmahan kamakailan ng dalawang ahensya.

“Ang KaltaSSS-Collect Program ay nag-aalok ng awtomatikong salary-deduction scheme ng buwanang kontribusyon sa nabanggit na ahensya ng mga sakop na JO at ang mga kontraktwal na manggagawa ay irerehistro bilang mga self-employed na miyembro ng SSS habang ang kani-kanilang mga employer, tulad ng mga national Government, state colleges and university,local water districts, at LGUs (local government units), ay mananagot sa pagpapadala ng kanilang buwanang kontribusyon sa SSS sa pamamagitan ng salary deduction scheme.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Dagdag pa nito, ang mga JO at mga kontraktwal na manggagawa ay maaari na ngayong matamasa ng proteksyon sa social security, kabilang ang pagkakasakit, maternity, kapansanan, kawalan ng trabaho, at mga benepisyo sa libing.

Maliban pa rito, maaari din makakuha ng mga pribilehiyo sa pautang, tulad ng suweldo, kalamidad, tulong sa pautang sa edukasyon, pabahay, at iba pa.

Sinabi ng tanggapan, na hindi bababa sa 14 na ahensya ng gobyerno sa Legazpi City na may 649 aktibong nagbabayad na mga miyembro ay sakop ng KaltaSSS-Collect Program.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kung matatandaan, lumagda ng kasunduan ang Department of Trade and Industry (DTI) Region 5 at Social Security System (SSS) Legazpi hinggil sa pag-cover ng SSS sa mga Job Order (JO) at Contract of Service (COS) personnel ng ahensya bilang self-employed members.

Pinangunahan ang MOA signing at paglulunsad ng KaltaSSS-Collect Program nina Vice President of SSS Luzon Bicol Division Elenita S. Samblero, SSS Branch Head II Jogar B. Tosoc at DTI Bicol Chief Administrative Officer Angela Glenda B. Millano.