Active case ng Covid-19 sa Pampanga, umakyat na sa mahigit 800

Umakyat sa mahigit 800 ang nananatiling aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Pampanga.

Base sa huling tala ng Department of Health Region 3, nasa 860 pa ang active cases ng lalawigan.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Habang ang total confirmed cases naman ay pumalo na sa 25, 675 as of July 16.

Sa nasabing bilang 23, 963 na ang mga naka rekober, at 852 naman ang nasawi dahil sa naturang virus.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Samantala pangalawa pa rin ang Pampanga sa mga lugar sa Central Luzon na may pinaka maraming kaso ng COVID-19.