Pumalo na sa mahigit 300,000 mga guro ang nabakunahan na laban sa COVID-19.
Sa LagingHanda public briefing, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na ang saklaw lamang ng datos ay 15 mula sa 17 rehiyon ngayong di pa nakapagsusumite ng reports ang Region 4B, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ayon kay Briones, ang target ng Department of Education (DepEd) ay mabakunahan ang maraming mga guro sa katapusan ng Agosto o ilang linggo bago magbukas ang klase sa September 13.
Ibinahagi rin ng kalihim na nabakunahan na sya laban sa virus.
Mababatid na noong nakaraang linggo, sinabi ng kagawaran na focused sila sa paghikayat sa mga guro at personnel na magpabakuna bilang paghahanda para sa implementasyon ng limited face-o-face classes sa mga low-risk areas.
Sa oras naman na payagan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force na payaganna ang face-to-face classes, ipatutupad pa rin ng DepEd ang mahigpit na restrictions at safety protocols sa field offices at sa mga eskwelahan na makikiisa sa pilot implementation ng face-to-face classes.