Pinasusumite ng Senate Blue Ribbon Committee si former police officer Eduardo Acierto ng sworn affidavit bago tumugon sa kahilingan nitong makalahok sa nagpapatuloy na imbestigasyon kaugnay sa kontrobersiyang kinakaharap ng kumpanyang Pharmally.
Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon kailangan muna nilang mabusisi ang mga impormasyon ilalahad ni Acierto bago nila ito ikonsidera.

Ginawa ni Gordon ang pahayag matapos ang biglang paglutang ng dating anti-drug operative matapos ang tatlong taon pagtatago sa batas.
Sa isang 10-minute video na inilabas sa media, sinabi ni Acierto na handa niyang ilahad ang kaugnayan ni Michael Yang at Alvin Lim sa illigal drug operations.
Iginiit din ni Acierto na hindi mangyayari ang kurapisyon sa Pharmally kung nakinig lamang sa kanya noon ang senate blue ribbon.