ABC President sa Bulacan – patay sa ambush; SITG, binuo na

Ipinag-utos na ni Police Regional Office 3 Regional Director Police Brig. Gen. Redrico Maranan ang pagbuo ng Special Investigation Task Group na tututok sa kaso ng pagpatay kay ABC President Ramilito Capistrano at kanyang driver.

Pinagbabaril ang mga biktima ng hindi pa nakikilalang salarin kagabi sa Malolos City, Bulacan habang sakay ng isang sasakyan.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Ayon kay Maranan, lahat ng anggulo ay tinitingnan upang malaman ang motibo sa krimen at matukoy ang mga suspek sa likod ng pamamaslang.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay si Maranan sa pamilya ng mga biktima at hinikayat ang publiko na magbigay ng anumang impormasyon na makatutulong sa kaso.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Samantala, kinondena na ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas ang marahas na pagpaslang kay Capistrano

Sa isang pahayag, nanawagan din sila sa mga awtoridad na siguruhin ang mabilis na pagpapanagot sa mga may gawa nito upang agad na makamit ng kanilang pamilya ang hustisya.