Carmina – ‘di nangingialam sa lovelife ng anak

“I mean, truth will always prevail. Alalahanin ninyo yan”.

Palaban ngunit mahinahong sagot ni Carmina Villarroel ang akusasyon ng bashers na nakikialam siya sa lovelife ng kanyang kambal na anak na sina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi.

Naging spekulasyon ng mga netizens na si Carmina na dahilan kung bakit hindi natuloy ang namumuo na sanang elasyon ni Cassy sa singer-TV host na si Darren Espanto.

Gayundin ang napabalitang hiwalayan ng aktres na si Kyline Alcantara at anak nitong si Mavy Legaspi.

Sinabi ng aktres na “kung basher ka, kahit mag-explain ako sayo, sarado na yung tenga mo, sarado na yung pag-iisip mo”