Julian death toll: 5

Umakyat na 5 ang napaulat na nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Julian.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), dalawa rito ang kumpirmadong nasawi mula sa Region I o Ilocos Region, at Region II o Cagayan Valley.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Habang tatlo ang for validation pa, ang mga ito ay mula lahat sa Region I.

Nananatili naman sa 8 ang injured at 1 na lang ang missing.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Sa kabuoan – umabot sa 69,290 pamilya, ‘o katumbas ng 242,973 inbibidwal ang bilang ng mga apektado ng bagyo mula sa tatlong rehyon.

Nananatili pa rin sa 29 ang mga areas na nagdeklara ng state of calamity.