Abante: ipagdasal ang mga EJK victims ngayong Undas

Nanawagan si House Committee on Human Rights Chairman Bienvenido Abante Jr. sa mga Pilipino na isama sa kanilang panalangin ngayong Undas ang libu-libong pinaniniwalaang biktima ng extrajudicial killings sa ilalim ng war on drugs ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Abante, marapat na alalahanin ang mga naging biktima ng EJKs lalo’t hindi pa aniya naaaresto at nakukulong ang mga mastermind at mamamatay-tao sa war on drugs para sa nagawang karumal-dumal na krimen.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Ipinunto nito na isa ang “collective national amnesia” sa mga kalaban ng hustisya dahil bumabagal ang sistema sa bansa.

Hinimok din ng kongresista sa Korte Suprema na imungkahi sa Kongreso ang pagpasa ng mga panukalang batas na magtatakda ng patas at makatwirang deadline sa criminal cases upang maitaguyod ang karapatan ng mga biktima sa mabilis na usad ng hustisya.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Dagdag pa ni Abante, kailangan ang gabay ng Korte Suprema dahil naaabuso ang karapatan sa due process.

Bukod sa mga biktima ng EJK ay hinimok nito ang mga Pinoy na ipagdasal ang mga pumanaw bunsod ng hazing na hanggang ngayo’y nakabinbin ang kaso.