Mahigpit na pinatututukan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang suplay ng bigas ngayong panahon ng kalamidad sa bansa.
Ayon kay Department of Agriculture Risk and Disaster Management (DA-DRRM) Director Lorna Calda, tinuturing umano ng Pangulo ang suplay ng bigas bilang pangunahing concerns lalo na sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine at sa apektado ng bagyong Leon.
Aniya, may sapat pang suplay ng bigas ang National Food Authority (NFA) kung saan may 1,417 na sako ng bigas ang naipamahagi na sa mga lokal ng pamahalaan ng Ilocos Region at Cagayan.
Kaugnay nito, nakapag-deploy na rin ng mga Kadiwa Stores ang gobyerno upang mas mabigyan ng access at abot kayang food supplies ang naturang mga apektado ng kalamidad.
Tiniyak rin ni Calda na mahigpit silang nakabantay sa presyo ng mga bilihin lalo na sa mga lugar na-under ng State of Calamity.