Aabot sa 811 uniformed personnel sa Bicol nabakunahan na ng 2nd dose ng Covid-19 Vaccine

LEGAZPI-Aabot sa 811 uniformed personnel mula sa ibat-ibang law enforcement agencies sa Albay ang fully vaccinated na matapos mabakunahan na ng ikalawang doze ng Covid-19 Vaccine.

Ang AFP-wide vaccination rollout ang sinagawa sa Naval Forces Southern Luzon.

Pinangunahan rin ito ng 9th Infantry Division ng Philippine Army medical team katuwang ang medical team ng NAVFORSOL.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ang lahat ng mga nabakunahan na myembro ng Armed Forces of the Philippines kasama ang mga dependents, civilian employees at support personnel ng Southern Luzon ang bolontaryong napili na mabakunahan.

Ayon sa pinalabas na data ng mga nabakunahan, aabot sa kabuuhang 385 members ang mula sa AFP, 168 mula sa Philippine Navy, 170 mula naman sa Philippine Army at 88 mula sa Philippine Air Force.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Dagdag pa nito, sa pamumuno ni Commo Jose Ma Ambrosio Q Ezpeleta ng Philippine Navy, hinikayat rin nito na mabakunahan ang iba pang mga tagapagpatupad ng batas.

Sa ngayon kasi, 100 percent fully vaccinated na ang lahat na myembros ng Philippine Navy sa Bicol.