LEGAZPI CITY – Ipinamahagi na kahapon ni DAR Secretary John Castriciones ng Department of Agrarian Reform ang Farm Equipment para sa mga farmers association kasabay din ang pagturn over ng kagamitan sa bukid at mga makinarya sa 12 Agrarian Reform beneficiaries Organisations (ARBOs) mula sa Albay, Masbate at Catanduanes sa Sunshine International School Auditorium sa Albay.
Dumalo rin sina Mayor Noel Rosal ng Legazpi at iba pang opisyal ng nasabing ahensya sa nasabing aktibidad.
Hinimok ni Castriciones ang mga magsasaka na maging bahagi ng mga kooperatiba o Agrarian Reform beneficiaries Organisations (ARBOs) upang ma-access ang mga makinarya sa bukid, kagamitan at iba pang tulong na ibinigay sa mga magsasaka upang bigyan sila ng kinakailangang kaalaman at kasanayan upang umangkop sa modernong sistema ng agrikultura, bilang paraan upang taasan ang kanilang kita at produksyon at maiangat ang kanilang pamumuhay.
Ang naka-turn over kahapon para sa benipisyaryo na three units hauling trucks, 50hp 4WD Kubota tractor, five units motorized topdown haulers, two units electric grinders/mincers, power tiller cultivator, three units cheest freezers/digital weighing scale, six units high density ice box at generator set.
Para sa rehiyon ng Bicol, ang DAR ay namahagi ng higit sa 21 hectares ng lupa sa higit sa 40,000 mga beneficiary ng repormang agrarian sa ilalim ng administrasyong Duterte mula pa noong 2016.