Aabot sa 2k tricycle drivers sa lungsod ng Legazpi, nabigyan ng cash aid mula sa LGU

BICOL—Nasa 55.52 percent ng kabuuang 2,500 na mga tricycle drivers sa lungsod ng legazpi ang nakatanggap ng P1,500 na cash aid mula sa lokal na pamahalaan ng lungsod.

Katumbas ito ng nasa 1,393 na mga benepisyaryong naayudahan bilang bahagi ng suporta ng LGU sa mga vulnerable groups na direktang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

760 nito ay mula sa Parada 4, 5, 6 at 7 maliban pa sa 633 unang nakatanggap ng ayuda sa first batch ng pamamahagi ng ayuda noong Biyernes na mula naman sa Parada 1, 2 at 3.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ayon kay Councilor Al Barizo, chairman ng Committee on Transportation and Public Utility, nasa 1,107 pang mga tricycle drivers ang mabibigyan ng parehong asistensya sa last batch ng distribution bukas, araw ng Biyernes.

Nabatid na umaabot sa P2.5 million ang inilaang pondo ng City LGU para sa cash assistance sa mga tricycle drivers upang kahit papaano ay maibsan ang bigat na dulot ng pandemya sa kanilang kabuhayan.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Maliban dito, kinumpirma rin ni Barizo na mayroon siyang ipinasang resolusyon na nagbibigay ng amnestiya sa mga tricycle drivers at operators na may expired nang prangkisa mula isa hanggang tatlong taon.

Sa ilalim nito, hindi sila papatawan ng penalidad oras na sila ay magrenew ng kanilang mga units.### || slm