NAGA CITY – Sa pagtaas ng kaso ng COVID 19 sa lungsod ng Naga pitong mga Barangay ang nakikitang unang may isasailalim sa Granular Lockdown.
Ang mga Barangay na pasok sa Granular Lockdown ay ang mga may pinakamaraming nagpopositibo sa COVID 19 alinsunod sa ipinalabas na listahan ng Incident Management Team o IMT ito ay ang Calauag, Pacol, San Felipe, Cararayan, Concepcion Pequeña, Concepcion Grande at ang Del Rosario na tatagal ng 14 na araw.
Ang mga health workers, mga nasa laboratoryo at iba pang personahe ng ospital, mga barangay tanod, mga OFW, kung nangangailangan ng medical attention, nasa food and essential items ang pahihintulutang lumabas.
Mahahati sa dalawang zone ang apektado ng granular lockdown ang buffer zone na hindi gaano apektado ng sakit at ang critical zone na kung saan mas higit na tututukan.
Ang mga pamilya na kabilang sa critical zone ay makakatanggap ng ayuda mula sa City Government at habang ibabalik ang market wheels kung saan maaaring bumili ang iba pang mga residenteng nangangailan.
Ang pagpapatupad ng Granular Lockdown ay isang istratehiya o paraan ng City Government para matigil ang pagtaas ng kaso ng COVID-19. Binigyan diin ng Mayor Nelson Legacion na hindi lamang gobyerno ang may obligasyon kundi maging mamamayan ng lungsod.