Bicol region nagtala ng mahigit 70 kaso ng suicide ngayong taon; DOH hinikayat ang lahat na makipagtulungan

BICOL—Umabot sa 70 ang mga naitalang kaso ng pagpapatiwakal sa Bicol region sa pagpasok ng 2021 ayon sa Department of Health (DOH) base na rin sa report ng PNP.

Sa dialogue sa media, inihayag ni Windalyn Baluis, Regional Program Coordinator for Mental Health ng DOH Bicol na kailangan ng pagtutulungan ng iba’t-ibang sektor upang mapigilang tumaas pa ang kasong ito. Tinukoy nito ang health, education, labor at justice sectors at maging ang media.

Anya, kailangang maging responsable ang lahat sa pagrereport ng mga kaso ng suicide at iwasan ang sensationalization dahil maaari itong magresulta sa katulad pang kaso.

Panawagan ni Baluis sa media, maging maingat sa paggamit ng mga larawan o video footage upang maiwasan na ito’y magaya ng ibang may posibilidad na gumawa rin nito.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ilan sa mga pinakalantad na magpatiwakal ay ang mga indibidwal na may problema sa pag-iisip; mga nakakaranas ng krisis sa pinansyal, kalusugan o sa relasyon; mga indibidwal na nakakaranas ng iba pang mga suliranin dahil sa mga kalamidad o sakuna, violence, pang-aabuso o pagkawala ng minamahal; at ang mga taong kabilang sa vulnerable groups.

Hinikayat din ni Baluis ang publiko na maging responsable sa pagpopost ng sensitibong impormasyon sa social media lalo na ang usaping may kaugnayan sa suicide.

Kasabay nito ay ang patuloy na pagtaguyod ng kagawaran ng mental health lalo ngayong nasa gitna ng COVID-19 pandemic ang lahat.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa pagtugon sa may mga suicidal thoughts, kailangan umano ang pakikipag-usap sa iba at mabigyan ng agarang asistensya ang mga may malalang sintomas.

Maaaring dumulog sa mga health facilities at local health units na nagbibigay ng mental health care.

Nagbibigay din ang Bicol CHD ng Psychological First Aid (PFA) sa pamamagitan ng Mental Health Hotline sa mga numerong 0915 361 4785, 0917 180 9068, o 0930 436 8477.

Ang buwan ng Setyembre ay Suicide Awareness Prevention Month at ang Setyembre 10 ay itinakda bilang World Suicide Prevention Day.### || slm