NPA na No. 5 MWP, arestado sa Masbate

SORSOGON CITY – Arestado ang 60-anyos na magsasaka makaraang hainan ito ng kanyang warrant of arrest sa kasong attempted murder sa Brgy Poblacion, Monreal, Masbate.

Kinilala ang akusado na si Ely Manlapaz Andaya, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy Cantorna ng nasabing bayan.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Si Andaya umano ay miyembro ng Militia ng Bayan (MB) sa ilalim ng pamumuno ni Eleazar Ontog alias Ka Randy, lider ng Squad 2, Platoon 2, Larangan 1, Komite Probinsyal 4.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC 5th Judicial Region, Br 50, San Jacinto, Masbate na may itinakdang piyansa na P120, 000.00.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Sa pahayag sa Brigada News ng Monreal MPS, marami pang kasong kinakaharap si Andaya at muli nila itong sisilbihan ng warrant of arrest kapag napasakamay na nila ang mga ito mula sa korte.