Pagkakasangkot ng ilang Barangay Officials sa iligal na droga, malaking balakid sa pagpapalakas ng BADAC—DILG Sorsogon

SORSOGON CITY—Binigyang diin ng Department of Interior and Local Government (DILG) Sorsogon na malaki ang epekto sa pagpapalakas ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ang pagkakasangkot ng ilang barangay officials sa ilegal na droga.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Julius Rodel Cal-Ortiz ang head ng ahensya sinabi nito na mayroon kasing tinatawag na precedence list pagdating sa assessment ng programa kung saan mahirap ma ideklarang drug cleared ang isang lugar kung mismong mga opisyal ng gobyerno gaya ng mga barangay officials ang nasasangkot.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Anya, malaking hamon ito sa kanila sa lalawigan ng Sorsogon pagdating sa kampanya kontra ilegal na droga dahil sa pagkakasangkot na naman ng isang barangay official na mismong Liga President pa kung kayat kung hindi maideklarang drug cleared ang isang barangay ay imposible ring maideklarang drug cleared ang buong probinsya.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Panawagan ng opisyal sa mga ito na maging ehemplo  sa kanilang nasasakupan pagdating sa paggawa ng tama at pagsunod sa batas.