Pagsasa-ayos ng mga bilangguan, makakatulong para mawala ang syndicate activities

Inihayag ng Bureau of Corrections (BuCor) na makakatulong ang paggawa at pagsasa-ayos ng pasilidad ng mga bilangguan para mawala ang syndicate activities doon.

Ayon kay BuCor Assistant Secretary Gabriel Chaclag, matitigil umano ang ugnayan at sabwatan ng mga inmates na gumagawa ng kriminal na aktibidad kung matutuloy ang naturang programa.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Aniya, mas maganda din kung ilalabas ang New Bilibid Prison sa loob ng Metro Manila upang mas makontrol ang mga ito.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Samantala, iginiit ni Chaclag na matagal na nilang nililinis ang BuCor kung saan inilalayo ang mga personnels sa hindi magandang gawain sa loob. (ARGIE ERGINA)