Ople, sinabing ‘too oppressive’ ang mandatory Philhealth contributions sa mga OFWs

Sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan ‘Toots’ Ople na ‘too oppressive’ ang mandatory Philhealth contributions sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon kay Ople, bago pa man siya manumpa bilang bagong kalihim ay nais niyang suriin ang naturang usapin dahil dagdag pahirap umano ito sa ating mga kababayan na nagta-trabaho abroad.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Matatandaang nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Universal Healthcare (UHC) Act noong 2019 kung saan kinakailangang magkaroon ng mga OFWs ng Philhealth membership.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Samantala, iginiit ng kalihim na nakipag-usap na siya sa author ng UHC na si Senator JV Ejercito upang amyendahan ang nasabing batas. (ARGIE ERGINA)