Transport sector, hinimok ang administrasyong Marcos na magbigay ng regular fuel subsidy

Hinimok ng Laban transport network vehicle service (TNVS) ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbigay ng regular na fuel subsidy.

Ayon sa transport group, mapipilitan umano ang ilan sa kanila na tumigil sa kanilang pasada kung wala silang matatanggap na karagdagang ayuda mula sa pamahalaan.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Maraming car at motorcycle riders ang umaaray dahil sa patuloy na pagtaas ng mga produktong petrolyo kung saan ang ilan sa kanila ay napipilitang humanap ng ibang mapagkakakitaan.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Samantala, nauna ng sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na tinitingnan nila ang ilalaang pondo para sa pagpapatuloy ng naturang ayuda. (ARGIE ERGINA)