Marcos, ipinag-utos ang enhanced OFW database para ma-improve ang serbisyo nito – DMW

Inihayag ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan ‘Toots’ Ople na ipinag-utos ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na i-enhance ang database ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) para mas ma-improve ang mga serbisyo para sa kanila.

Ayon kay Ople, nais ng bagong pangulo na makita ang bilang nga mga OFWs sa ibat-ibang bansa kabilang na ang mga gustong bumalik sa Pilipinas.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Ito’y upang malaman kung anong mga serbisyo ang pwedeng ibigay sa kanila katulad ng bagong trabaho lalo na sa mga gustong umuwi at ma-ilink umano sila sa mga programa ng pamahalaan na angkop sa kanila.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Samantala, ayon sa kalihim, sinabi din ni Marcos na tingnan ang pamilya ng naturang mga OFWs upang mapanatili ang kanilang kapakanan. (ARGIE ERGINA)