P1.4M  na halaga ng alahas natangay sa isang mall sa Naga City

NAGA CITY- Mahigit P1.4M na halaga ng mga alahas ang natangay ng mga kawatan sa isang jewerly store sa isang mall sa Barangay Triangulo ,Naga City.

Ayon sa saleslady ng Gold Gram may grupong tumingin ng mga alahas, inassist niya ang naturang mga customers na kinabibilangan ng 5 lalaki at 2 babae bandang alas-dose ng tanghali nitong Sabado Hulyo 2.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ang isa sa mga ito ay nagsabing ipakita pa sa kaniya ang iba pang pendants, ang isa naman nagsabing mag wiwithdraw. Ilang sandali pa nawawala na ang ilang alahas sa display case.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Nirereview na ng mga kuha ng CCTV cameras ang Naga City Police Office para sa pagkakakilanlan ng mga kawatan at pagkakabawi ng mga alahas.