70 anyos na lolo sa bayan ng Paracale  na may kasong pang-aabuso sa minor de edad, arestado!

CAMARINES NORTE- Isang lolo sa bayan ng Paracale ang naaresto ng mga otoridad sa isinagawang Manhunt Charlie Operation dakong 5:30 ng hapon nitong June 1,2022 sa Purok 5, Brgy. Tugos Paracale Camarines Norte.

Ang akusado ay kinilalang si alyas “LOLO OGIE”, 70 anyos, may asawa at residente ng Purok 4, Sitio Kamanggahan, Brgy. Manguisoc, Mercedes, Camarines Norte.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Si alyas “LOLO OGIE” ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Lascivious Conduct Sec. (B) of RA. 7610 at may piyansang nagkakahalaga na 150,000 pesos para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Sa kasalukuyan, ang nasabing personahe ay nasa kustodiya ng Mercedes MPS para sa kaukulang disposisyon.