LEGAZPI CITY – Umaasa ang Philippine Coconut Authority (PCA) Bicol na sana mabago ang pananaw ng mga magsasaka ng niyog sa rehiyon.
Ayon kay Regional Manager Bong Zipagan ng PCA Bicol, hindi dapat minamaliit sarili o ang pamumuhay ng isang magsasaka ng niyog dahil mas malaki ang naiaambag ng mga ito sa bansa.
Aniya, mali rin sabihin sa mga anak na wag ng mamuhay o tularan ang paghihirap sa pagsasaka.
Dagdag pa nito, nais rin mabago ng ahensya na alagaan ng mabuti ang pagniyoniyog dahil karamihan sa mga ito binabalikan lamang nito kapag nangangailangan ng pera ang mga ito.
Sa ngayon umaabot na sa 651, 570 hectares ang kabuuhang coconut land areas sa Bicol.
Pinakamalaki rito ang Camarines Sur na mayroong 203, 282 hectares, Albay 99,940 hectares.