Incoming DICT sec, tiniyak na tututukan ang pagpapabilis sa internet connections sa bansa

Sisikapin ni incoming DICT secretary Ivan John Uy na magkakaroon ng accessible internet sa bansa.

Ayon kay Uy, isa sa mga order sa kanya ni President-elect Bongbong Marcos ay siguruhing mas marami pang Pilipino ang makaka-connect sa maayos na internet.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Aniya, hindi lang daw kasi ‘internet speed’ ang kinakailangang tutukan, kundi ay ang pagkakaroon ng internet ng mga malalayong lugar.

Marami raw kasing areas sa Pilipinas na hindi na nilatagan ng fiber cables at iba pang internet connection dahil hindi ito nakikitang ‘profitable’ ng mga telco companies.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Dahil dito, gagawa raw ng hakbang ang DICT para masigurong maayos at abot-kaya ang internet connection sa Pilipinas.

Matatandaang bago ang appointment ni Uy, dati na rin itong naging chairperson ng CICT sa ilalim ng Aquino administrastion.
#