Kampanya laban sa iligal na sugal, pinaigting ng PRO 12


KORONADAL CITY- PINAIGTING pa ngayon ng Police Regional Office o PRO 12 ang kampanya nito laban sa iligal na sugal sa Soccsksargen region bilang pagtalima sa direktiba ni Department of the Interior and Local Government o DILG Secretary Eduardo Año.


Kamakailan lamang, inatasan ni Police Brigadier General Alexander Tagum, regional director ng PRO 12 ang mga kapulisan na palakasin pa ang mga programa at kampanya nito laban sa anumang uri ng illegal gambling katulad ng illegal numbers game na jueteng, last-2 at masiao.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City


Matatandaan na mismong si Presidente Rodrigo Duterte ang nag-utos sa pagpapatigil ng online sabong.
Samantala, nagbabala naman si Tagum sa mga imbolbado sa naturang iligal na gawain na maaari ang mga itong makulong ng hanggang sa 20 taon sa ilalim ng Republic Act 9287.

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response


Binigyang diin din ng opisyal ang dalawang polisiya na ipinatutupad ng PNP sa buong bansa, ang No Take Policy at One Strike Policy.