Hauling activity sa Bgy. Princess Urduja, Narra- pinatitigil!

Pinatigil na ng barangay ang hauling activity o paghahakot ng mga bato sa Sitio Mariwara,Barangay Princess Urduja, Narra Palawan.

Agad itong ipinag-utos ni kapitan Rizaldy Roman dahil sa reklamo ng mga residente na maputik at madulas na daan dahil sa mga dumadaang malalaking truck.

Read More:  Coast Guard rescues eight crew members off Cagayan

Umaasa ang opisyal na titigil muna ang permittee o nagpapagawa ng hauling activity habang hindi nila naaayos ang nasirang farm to market road.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Samantala, may monitoring team ang Provincial Mining & Regulatory Board (PMRB) sa sitio Makirawa para bantayan ang aktibidad.