First-come, first-serve: Civil Service exams, isasagawa 4 regions sa Hulyo

Magsasagawa na ang Civil Service Commission (CSC) ng Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) sa July 18 2021 sa mga piling rehiyon sa bansa.

Kaugnay nito, ang CSE-PPT ay isasagawa sa Regions VI (Western Visayas), VII (Central Visayas), XII (SOCCSKSARGEN), at Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao.

Read More:  Gatchalian pushes ban on officials’ relatives in government contracts

Matatandaan na noong Marso, sinabi ng CSC na ang naturang test ay isasagawa sa mga lugar na mahina ang internet service.

Ayon sa ahensya, may 12 testing centers, bagama’t posible umano itong mabago dahil sa restrictions mula sa COVID-19 pandemic.

Read More:  MMDA to implement road closures, traffic rerouting near PICC ahead of ASEAN Summit

Samantala, ang application period ay mula May 14 hanggang June 3 2021, habang ang pagtanggap ng aplikasyon ay magiging first-come, first-served basis at maaring magsara anumang oras kapag naabot na ng CSC Regional/Field Office ang target na bilang ng mga aplikante. // MHEL PACIA