Humingi ng paumanhin si Commission on Elections Commissioner George Garcia sa mga botanteng na-apektuhan ng mga aberya sa vote counting machines o VCMs kahapon sa halalan.
Ito ay makaraang makaranas ng delay sa ilang mga polling precincts dahil sa mga aberya ng VCMs dahilan naman para iwan ng ilang mga botante ang kanilang balota at hindi makakuha kaagad ng mga resibo.
Sa isang panayam, sinabi ni Garcia na naga-apologize sila sa mga nagtiyaga, naghintay, at mga naipit ang boto dahil sa mga technical problems ng VCMs gaya ng pagma-malfunction nito, hindi paggana ng mga printer/scanner, o pag-paper jam dahilan para i-repair pa ang mga ito o palitan ang mga SD cards.
Aniya, wala naman daw may gusto sa ganitong pangyayari kaya sila ay humihingi ng paumanhin at pasensya sa mga botante.

Sa kabuaon, aabot sa 1,800 na mga VCMs ang nag-malfunction.
Sa huli, sa #LagingHanda press briefing, sinabi ni Garcia na pangkalahatang naging matagumpay ang reuslta ng halalan 2022.
Bago ito, una anng sinabi ni COMELEC Commissioner Marlon Casquejo na pinaplano na ng poll body na palitan ang mga VCMs para ‘di na magamit sa mga susunod na halalan.
#