Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na naitala ngayong 2022 elections ang pinakamataas na turn out ng local absentee voting.
Sa isang pulong balitaan, iniulat ni COMELEC spokesperson John Rex Laudiangco na umabot sa 88 percent o katumbas ng 74,852 na boto ang naitala mula sa local absentee voting.
Aniya, kung ikukumpara sa mga nakaraang eleksyon, record high ang naitala ngayong halalan.
Noong 2013, sinabi ni Laudiangco na nasa 64 percent ang turnout ng local absentee voting habang 77 percent naman noong 2016 at 2019.

Samantala, sa kasalukuyan ay umabot naman na sa 34.24 percent ang turn out ng overseas voting.
Ayon kay Comelec Commissioner Marlon Casquejo, mas mataas din ang turnout na ito kumpara noong 2016 na nasa 32 percent lamang.
Umaasa naman ang COMELEC na aabot ng mula hanggang 36 percent o di kaya nama’y 37 percent ang turn out ng overseas voting.# (CLAY MARQUEZ)