Aabot sa 7,407 ang bilang ng mga botanteng binakunahan sa mga itinayong temporary vaccination sites sa mga polling precincts kahapon.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagamat abala ang mga botante sa pagpili ng kanilang mga ihahalal, naging abala rin ang local health officials at mga LGUs sa pagbabakuna sa itinayang 333 vaccination sites.
Pinakamaraming naipatayong vaxx centers sa sa Region XII na mayroong 104; 58 sa Region I; 44 sa CAR; habang anim naman sa NCR.

Sa huli, tiniyak ni Vergeire na hindi titigil ang DoH hanggat hindi nababakunahan at napo-protektahana ng lahat ng mga Pilipino laban sa COVID-19.
Pinasalamatan din nito mga LGUs na tumulong sa programang ito, gayundin ang mga botante na hindi lamang pumili ng kanilang mga napupusuang kandidato – kundi pinili ring protektahan ang sarili at ang kanilang mga mahal sa buhay dahil sa bakuna.
#