Final version ng Vape Bill, sinuportahan ng medical experts

Sinuportahan at pinuri ng top medical experts sa bansa ang pagpasa ng final version ng Vape Bill para sa strict regulation ng vapor at heated tobacco products na layong mas maprotektahan ang mga kabataan.

Ayon kay San Juan Medical Center Staff Association President Dr. Romeo Luna Jr., mas hindi mapanganib ang naturang mga produkto kaysa sigarilyo.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Sinabi ni Luna na nasa 16 million na mga Pilipinong ayaw tumigil sa paninigarilyo ang posibleng makinabang sa nasabing less harmful alternative na mga produkto.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Samantala, inaprubahan na ng bicameral conference committee sa Senate and House of Representatives ang final version ng naturang bill kung saan ipagbabawal ang pagbebenta ng flavored vapor products na may nicotine content na lagpas 65 mg o ml. || ARGIE ERGINA