Precinct finder, hindi final basis para malaman ang voter’s registration status – Comelec

Inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia na hindi pa umano final basis para malaman ang voter’s registration status gamit ang precinct finder.

Ayon kay Garcia, isa lang umano itong pamamaraan upang malaman ng isang botante ang kanyang status ng kanilang registration para sa halalan ngayong taon.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Iginiit niya na mas accurate basis ang voter’s information sheets (VIS) na ipinamamahagi sa buong bansa bago ang eleksyon.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Samantala, sinabi ng commissioner na ang mga lumalabas na polling precinct na hindi katulad noong nakaraang eleksyon ay posibleng napalitan ayon sa request ng Department of Education (DepEd) dahil maaari umanong hindi available o kasalukuyang itong ginagawa. || ARGIE ERGINA