Manobo-Pulangiyon tribe, nanindigang hindi ‘warning shots’ ang ginawa ng namaril sa Bukidnon

Nanindigan ang ilang mga lider ng Manobo-Pulangiyon tribe na pinaputukan talaga sila, taliwas sa sinasabing ‘warning shot’ lamang ang naganap na pamamaril sa Quezon, Bukidnon na nag-resulta sa pagkakasugat ng lima nilang mga miyembro.

Sa isang live press conference ngayong hapon via Zoom ng grupong Laban ng Masa, sinariwa ng mga lider at elders ng naturang IP group ang pangyayari.

Ayon kay Datu Tigis Liwanan, kaya raw sila sinamahan ng grupo ng presidential candidate na si ka-Leody de Guzman ay para payapang makipag-negosasyon hinggil sa isyu ng land grabbing.

Read More:  Cayetano Rejects Senate leadership changes
(Screengrab from Laban Ng Masa press conference via Zoom)

Sa katunayan ay may dala raw silang puting bandera at nakiusap pa ang mga ito na hindi sila lalaban.

Sa kabila nito, pinaputukan pa rin sila ng mga ‘blue guards’ sa pinagaagawang lupa.

Dagdag pa nito, hindi na sila umaasang matutulungan ng National Commission on Indigenous Peoples o NCIP sapagkat pinapa-ikot ikot lang daw sila nito.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Nanindigan din si Datu Tigis Liwanan, isang bagani o ‘yung bahagi ng peace enforcers ng grupo, na sa kanila ang lupa at hindi dapat sila tawaging mga illegal squatter.

(Screengrab from Laban Ng Masa press conference via Zoom)

Masakit daw kasing isipin na sila naman ang may ari sa lupa sapagkat ancestral land nila ito, ngunit sila pa ang nasisisi sa pagpasok sa property.
#