PNP, natukoy na ang tatlong persons of interest sa Bukidnon shooting

Mayroon nang tatlong mga persons of interest ngayon ang Philippine National Police hinggil sa naganap na shooting sa Quezon, Bukidnon.

Ayon sa PNP, tukoy na nila ang pagkakakilanlan ng tatlong mga indibidwal na posibleng nasa likod ng pamamaril.

(📸photo from Laban Ng Masa press conference via Zoom)

Bagmat hindi pa pinapangalanan, ang mga ito raw ay security personnel na naka-poste sa plantation area kung saan ay matatagpuan ang pinagaagawang property.

Read More:  House prosecutor opposes online voting in Sara Duterte impeachment trial

Mayroon umanong mga testigong nakakita sa mga ito at nakakilala sa kanila.

Sa ngayon, inaalam ng kapulisan kung ang mga personnel na ito ay mga tauhan ng pribadong kumpanya sa plantasyon, o ‘di kaya’y personal na security detail ng alkalde.

Iniimbestigahan na rin kung paano sila nakapagdala ng mga armas sa kabila ng umiiral na gun ban. Aalamin anila kung mayroong permit para sa exemption ang kanilang security agency.

Read More:  House prosecution panel names official spokespersons for Duterte impeachment

Sa ulat, nakarekober ang mga otoridad ng walong shotgun, dalawang 9mm na pistol, at isang kalibre .38 na baril.

Isasailalim ang mga ito sa eksaminasyon para malaman kung alin sa mga baril ang ginamit sa pagpapaputok dahilan para masugatan ang limang mga indibidwal.
#