Vaccination program ng Legazpi City Health Office, tuloy pa rin sakabila ng masamang panahong nararanasan sa lungsod

BNFM BICOL— Patuloy ang isinasagawang pagbabakuna kontra COVID-19 ng Legazpi City Health Office sakabila ng masamang panahon na dala ng bagyo at sa gitna ng paggunita ng Semana Santa.

Kahapon araw ng Martes, idinaos ang pagbabakuna ng first at second dose para sa mga bata o pediatric population gayundin ang pagbibigay ng first dose at booster shot sa adult population  na isinagawa sa Expo Building ng Brgy. Inalnod Covered Hall at sa SM City Legazpi.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal
Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Kaugnay nito, mariing ipinaalala ng PHO sa publiko na mahalagang mabakunahan ang mas maraming residente ng lungsod sakabila ng mas maluwag na COVID-19 restriction at mababang Alert Level status.###