BNFM BICOL—Inanunsiyo ng Prime Water na makakaranas ng mahina hanggang sa pagkawala ng suplay ng tubig ang nasa mahigit 20 mga barangay sa bayan ng Daraga, Albay mula alas singko ng umaga hanggang ala-una ng hapon, bukas araw ng Huwebes Santo.
Batay sa abiso ng nasabing water provider, kabilang sa mga barangay ng naturang bayan na maaapektuhan ng water interruption ang mga barangay ng Avila, Bagtang, Bagumbayan, Ilawod, Binitayan, Bañag, Doña Cecilia, Harong Pagkamoot, Kilicao, Kimantong, Locsin, Balaguer, Market site, Maroroy, Regidor St., Sagpon, Sto Cristo, San Roque, Pag asa, T Perez St at ang nalalabing bahagi ng Brgy. Tagas.
Idinahilan ng Primewater-Daraga ang maintenance na isasagawa nila sa isa sa mga water sources sa barangay Bañadero, bilang sanhi ng pagkawala ng suplay ng tubig.
Kaugnay nito, hiningi ng water provider ang pag-unawa at paumanhin sakanilang mga konsumidores at ipinangakong babalik ang normal na suplay ng tubig sa oras na agarang matapos ang patrabaho.###