4 na HUCs sa Luzon, ‘very low risk’ na sa COVID-19 ayon sa OCTA

Inanunsyo ng OCTA Research na naka-classify na sa ilalim ng “very low risk” ang COVID-19 cases sa apat na highly urbanized citizes sa Luzon.

Sa isang tweet ay ipinakita ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na noong March 6 ay nagtala ang Angeles, Dagupan, Lucena, at Olongapo ng average daily attack rate (ADAR) ng 0.55 and below.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Ang ADAR ay ang tumutukoy sa average number ng mga bagong kaso sa isang panahon kada 100,000 katao.

Naitala rin ang “very low” na positivity rate sa apat na lugar kung saan ay pare-parehong nairehistro ng Angeles, Dagupan, at Lucena ang 2% habang ang Olongapo naman ay may 3%.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Nasa “very low” na rin ang reproduction rate sa mga nabanggit na lugar, kasama ang iba pang highly urbanized cities sa Luzon na nasa “very low” rin na naglalaro mula 0.14 hanggang 0.48.