Naitala ni Jayson Tatum ang season-high 54 points sa laro kung saan ay nagpamalas ng late run ang Boston Celtics sa ikaapat na quarter para talunin ang bumibisitang Brooklyn Nets sa score na 126-120.
Kumolekta si Tatum ng walong 3-pointers sa laro at naipasok ang 34 ng kaniyang puntos sa second half.
Dahil diyan ay nakamit ng Boston ang ikatlo nitong sunod na panalo mula sa laro kung saan ay 28 beses na nag-agawan sa lead ang dalawang koponan at tumabla ng 19 na beses ang score.
Kumapit naman ang Celtics sa 37-30 na lamang nito sa final period.
Nag-ambag naman si Jaylen Brown ng 21 points sa kaniyang pagbabalik laro matapos nitong magkaroon ng right ankle sprain noong Martes at lumiban sa isang laro.
Kasama sa performance ni Brown ang clutch corner 3-pointer na nagbigay sa Boston ng seven-point lead sa natitirang 39.4 seconds.
