KORONADAL CITY- TINUTUKAN ngayon ng Department of Agriculture ang maayos na pagpapatupad ng Farm and Fisheries Clustering and Consolidation Program sa buong Rehiyon dose.
Ito’y matapos na pinulong ng DA-12 ang mga miyembro ng Federation of Bayanihan Agri-Clusters oRFBAC upang masiguro ang maayos na pagpapatupad ng F2F2 program sa buong rehiyon.
Kabilang sa itinalakay sa ginawang pagpupulong ang one-year plan activities, lakbay-araw report, update ng RFBAC resolution at iba pa.
Inihayag naman ni DA 12 OIC Regional Executive Director Dennis Arpia, na tuloy-tuloy ang mga programa ng ahensya lalo na sa tulong para sa mga magsasaka sa rehiyon.
