Programang Fast to feed inilunsad ng Diocese of Daet sa pagsisimula ng kuwaresma

CAMARINES NORTE- Inilunsad ng Diocese of Daet ang programang Fast to feed kasabay ng pagsisimula ng panahon ng kuwaresma para sa mga katoliko.

Ayon kay Bishop Rex Andrew Alarcon ang naipong pera para sa pag aayuno ay maaaring ilagay sa sobre na nasa simbahan at ilalaan sa mga batang malnourish.

Isa umano itong halimbawa ng makabuluhang  pagsasakripisyo.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ang pagsasakripisyo umano ay hindi lang disiplina sa sarili kundi ito ay nagbubunga ng mabuti para sa kapwa.

Pero hindi lang aniya ito self -discipline kundi isang pagsasanay na pang espiritwal.

Mahalaga rin kasi aniyang pagtuunan ng pansin ang mga banal na bagay sa pamamagitan ng pagsasakripisyo.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Para sa mga katoliko ay mayroong tinatawag na 3 pillars of Lent” at ito ay ang pag- aayuno, pananalangin at kawanggawa.

Hinimok din ng Obispo ang mga katoliko  na talikuran ang mga masamang Gawain.

Ang fasting umano ay hindi lamang sa pagkain kundi ang mga labis na bagay sa buhay na nakasanayan.