NBA: Hornets kinuha si Isaiah Thomas sa 10-day deal – report

Lumagda ang two-time All-Star Isaiah Thomas ng 10-day contract sa Charlotte Hornets.

Sa ulat ng ESPN, ang 33-taong gulang na guard ay naglaro sa 10-day deals sa naunang season kasama ng Los Angeles Lakers at Dallas Mavericks.

Si Thomas ay naglaro sa four games para sa Lakers at isa sa Mavericks, sa pagitan ng Dec. 17-29.

Ito ay may averaged na 8.6 points, 2.0 assists, 1.6 rebounds at 22.8 minutes na may isang start.

Kaugnay nito, kinilala siyang NBA G League Player of the Week matapos magtala ng average na 41.3 points, 6.3 assists at 5.7 boards sa tatlong laro noong nakaraang linggo sa Grand Rapids Gold.