Russian, Belarusian athletes papayagang magcompete sa Winter Paralympics

Binigyan ng pahintulot ang Russian at Belarusian athletes na makapag-compete sa nalalapit na Winter Paralympics.

Ito ay matapos na himukin ng International Olympic Committee (IOC) ang sporting federations sa buong mundo, i-exclude ang mga atleta mula sa Russia at Belarus, sa invasion ng naturang bansa sa Ukraine.

Sa pulong ng International Paralympic Committee (IPC), inihayag dito na ang mga atleta sa dalawang bansa ay papayagang maglaro bilang “neutrals.”

Ayon sa komite, maglalaro ang mga ito sa ilalim ng Paralympic flag at hindi isasama sa medal table.

Mababatid na sinipa narin ng FIFA ang Russia mula sa 2022 World Cup, habang ang rugby’s world governing body ay binan ang Russia at Belarus mula sa lahat ng international events “until further notice.”