CAMARINES NORTE- Matapos na magsimula ang expanded limited face to face classes sa buong bansa nangako ang Daet Municipal Police Station sa pamumuno ni ACOP PLTCOL Arnel De Jesus ng Daet Municipal Police station na magigng katuwang sila ng Department of education at Department of Health sa pagpapatupad ng health protocol sa mga eskwelahan na kanilang nasasakupan.
Sa panayam ng Brigada news FM sa naturang hepe, sinabi nito na mas magiging regular ang kanilang bisita eskwela upang mapaalalahanan ang mga magulang at mag-a-aral sa kahalagahan ng pagsunod sa minimum public health standards.
Ayon kay De Jesus, hindi naman porke pinayagan na ang face to face classes ay nangangahulugan na wala nang pandemic kung kaya’t mahalaga ang kanilang presensya upang mapaalalahanan ang publiko.
Nangako din ang pamunuan ni De Jesus sa DEPED na laging bukas ang kanilang hanay sa anumang asistensya na maaari nilang maibigay, matiyak lamang na nasusunod ang mga panuntunan
