CAMARINES NORTE – Bumaba pa ang healthcare utilization rate o bilang ng mga naoospital sa lalawigan ng Camarines Norte dahil sa COVID- 19.
Batay sa pinakahuling ulat ng Department of Health, sa 144 beds na inilaan para sa mga pasyenteng may COVID- 19 walo lamang dito ang nagamit o 5. 6 % utilization rate.
Mas mababa pa ito sa 7.2 % sa parehong panahon noong isang linggo.
Nasa low risk level naman ang isolation beds at Covid ward beds na may 6. 7 % at 4%.
Habang walang naitalang paggamit sa ICU beds for Covid at mechanical ventilator.
Ayon naman kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco mababa na talaga ang bilang ng mga nagpopositibo sa sakit dito sa Camarines Norte.
Sa katunayan ay binibilang na lang ang araw para makatapos ng kanilang quarantine ang nasa mahigit 50 aktibong kaso.
Sa Camarines Norte Provincial Hospital ay isa na lamang aniya ang COVID- 19 admission.
Kung magtutuloy- tuloy daw ang ganitong sitwasyon ay posibleng sa susunod na dalawang linggo ay zero COVID case na ang Camarines Norte.
