CAMARINES NORTE- Isang 37 anyos na lalaki na pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga ang naaresto ng mga operatiba ng Paracale MPS dakong 12:50 ng hapon nitong Pebrero 28, 2022 sa Purok 6, Brgy Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte
Ang suspek ay kinilalang si alyas “Tam-Tam”, 37 anyos at residente ng Purok 6, Brgy Tugos, Paracale, Camarines Norte.
Naaresto ang nabanggit na suspek matapos na makabili sa kanya ang umaktong poseur buyer ng isang maliit na selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu.
Matapos ang pag-aresto ay nakuha sa pag-aari ng suspek ang Isang Libong Piso na buy bust money at tatlong (3) piraso ng maliliit na selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu.
Tinatayang umaabot sa 0.3 gramo ang kabuoang timbang ng mga nakuhang iligal na droga na may katumbas na halagang Php 2,000.00.
Ang suspek kasama ng mga nakuhang ebidensya ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng nasabing himpilan para sa paghahanda ng mga dokumentong ipapataw laban sa kanya.
Kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II ng RA 9165 ang kakaharaping kaso sa korte ng naarestong suspek
