NCR, handa na para sa Alert Level 1 – Duque

Naniniwala si Health Secretary Francisco Duque III na handa na ang National Capital Region na mag-deescalate sa COVID-19 Alert Level 1.

Pero ayon kay Duque, pag-uusapan muna ng Inter Agency Task Force (IATF) ang kahandaan ng NCR at ng iba pang lugar para sa Alert Level 1, na pinakamababa sa bagong alert level system.

Read More:  MMDA to implement road closures, traffic rerouting near PICC ahead of ASEAN Summit

Iginiit ng kalihim na hinog o pasado na ang metrics ng NCR upang mailipat ito sa mas maluwag na restriksyon.

Ipinunto ni Duque na 83% ng senior citizens ng NCR ang bakunado na, habang nasa mahigit 100% ng target population ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Naiulat naman ng OCTA Research nitong Martes na bumagsak ang positivity rate ng NCR sa 4.9% na mas mababa kumpara sa rekomendado na 5% ng World Health Organization.

Read More:  ICC seeks additional protection for 55 witnesses in Duterte trial

Inihayag ng OCTA na ito ang unang beses na naging mas mababa kaysa sa 5% ang positivity rate sa NCR mula noong December 26, 2021 o bago nagkaroon ng surge ng COVID-19 na idinulot ng mas nakahahawang Omicron variant.