Pilipinas, nakikipagtulungan na sa Taiwan para sa mutual recognition ng COVID-19 vaccination certificates

Nakikipag-ugnayan na ang labor officials ng Pilipinas sa gobyerno ng Taiwan upang makabuo ng kasunduan kaugnay sa mutual recognition ng COVID-19 vaccination certificates.

Sinabi ni Labor Attaché Cesar Chavez Jr. ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) na mahalaga ang pagkakaroon ng mutual recognition sa gitna ng inaasahang pagpasok ng tinatayang 40,000 na manggagawang Pilipino sa Taiwan sa mga darating na buwan.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Sa kasalukuyan, ay pinapayagan na ng Taiwan ang pagpasok ng migrant workers sa isla sa kondisyon na naturukan na ang mga ito ng mga bakuna na accredited ng World Health Organization (WHO).

Ibig sabihin ay hindi kasama rito ang mga naturukan ng Sputnik V ng Russia.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Pero ayon kay Chavez, oras na magkaroon ng mutual recognition ay mapapayagan na rin pati ang mga naturukan ng Sputnik at ng iba pang mga bakuna na hindi accredited ng WHO.

Sa ngayon aniya, ay sapat na para sa Pilipinas ang pagtanggap ng Taiwan sa mga fully vaccinated ng mga bakuna na accredited ng WHO.